Sunday, February 17, 2013

Manila Vice Mayor Isko Moreno and five councilors arrested for illegal gambling; Erap Estrada suspects arrest was politically motivated

Manila Vice Mayor Isko Moreno and five councilors arrested for illegal gambling; Erap Estrada suspects arrest was politically motivated

Inaresto ng mga pulis si Vice Mayor Isko Moreno at limang konsehal kahapon, February 16, bandang alas-kuwatro ng hapon, dahil daw sa pag-oorganisa ng ilegal na sugal.

Nangyari ang pag-aresto kina Isko sa Brgy. 384 sa Tambunting, Manila.

Nakatanggap daw ng reklamo ang mga pulis sa Station 3 ng Manila Police District na mayroong nagpapa-bingo sa lugar.

Ayon sa panayam ng Interaksyon kay station commander Superintendent Ricardo Layug, kinumpiska ng kanyang mga tauhan ang bingo cards na may mga naka-imprentang pangalan nina Erap, Isko, at iba pang mga tumatakbo para sa lokal na halalan.

Sabi ni Layug, ?Nandiyan po yung mga pangalan ng mga pulitiko... Una nating titingnan, nasaan po ba yung permitnila para diyan sa lugar na 'yan.?

Pero idiniin naman ni Isko?Franisco Domagoso sa tunay na buhay?na hindi sila lumabag ng anumang batas.

Sabi pa niya, hindi na ilegal ang paglalaro ng bingo batay sa ginawang pag-amyenda ng Kongreso sa Presidential Decree 1602, na nagbabawal magpa-bingo sa mga pampublikong lugar.

Isinagawa raw ang palarong bingo na yun sa isang ?private property? at hindi raw siya tumaya o maging yung limang konsehal.

Ayon pa kay Isko, nagpunta siya sa Tambunting St., matapos siyang makatanggap ng report na hina-harass ng mga pulis ang mga konsehal na nagpapa-bingo.

Pero pati raw siya ay isinama nang inaresto.

Ang mga konsehal na inaresto ay kinilalang sina Ernesto Isip Jr., Bernardito Ang, Joel Chua, Ma. Asuncion Fugoso, at ang aktor ding si Yul Servo (John Marvin Nieto).

Sinabi naman ni Isko sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News na may isang pulis na diumano ay nanakal sa isang konsehal na inaresto nito.

Kuwento niya, ?Yung isang konsehal ko sinasakal ng pulis, binuhat ng isang pulis, e, inawat ko. Tapos nagkagulo na ang taong-bayan, there are about two thousand people in the area, bata at matanda.

?Siyempre naawa ako, inawat ko sila. In the end, kaming lahat ang inaresto.?

Kaugnay ng pag-aresto kina Isko at mga kasamahan nito ay nagkaroon ng kaguluhan, at dinala ang bise-alkalde sa ospital para sa medical check-up.

Source: http://www.pep.ph/news/37492/Manila-Vice-Mayor-Isko-Moreno-and-five-councilors-arrested-for-illegal-gambling;-Erap-Estrada-suspects-arrest-was-politically-motivated

adele MBTA national signing day Solomon Islands Mary Leakey Side Effects weather nyc

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.